Maligayang Pagdating

Mabuhay, aking kaibigan. Kamusta ka? Ito ay parang paalala, pero talagang nagmamalasakit ako para sa iyo. Kaya ko sinusulat ito. Napakahaba na ng aking nalakbay at trinabaho ang mga mahirap na trabaho upang kumita ng pera para makarating dito at makilala KA. Hindi ako kabilang sa kahit anong grupo o organisasyon. Matagal ko na gustong pumarito.
Alam mo naman napakahirap ng buhay kung minsan. Makailang ulit mong naisip na “Walang nakakaalam ng mga pinagdadaanan ko”? Bawat araw ay isang pasanin. Patuloy nating hinaharap ang mga pagdurusa. Saan natin matatagpuan ang pag-asa?
Ang mga pagdurusa ay nakaka-apekto sa atin sa loob o labas. Nandyan ang pisikal na mga bagay, tulad ng kahirapan, kawalan ng katarungan, krimen, kamatayan at kapinsalaan. Nandyan din ang panloob na mga bagay, tulad ng depresyon, kalungkutan, pagdadalamhati, pighati o pagwawaksi, na siyang higit na nakakaapekto sa tin…

This is our family. We are not a group or organization, just a simple family.

We care about you, write us an email us at:

ifanyoneisthirsty@gmail.com

Ang daan pauwi sa Tahanan

Lahat ay nagtatanong: “Kung mayroong Diyos, bakit hindi Niya ako tinutulungan?!” “Bakit hinahayaan ng Diyos ang masasamang bagay na mangyari sa akin? Nasaan Siya?”
Kailangang tanungin natin ang ating mga sarili; “Gusto ba talaga natin ng kasagutan sa mga tanong na ito, o mas mainam kung may ibang masisisi? Maraming tao ang nagpapahayag na nasa kanila ang kasagutan, pero kapag iyong tingnang mabuti, maging mga relihiyon ay walang maibigay na praktikal. Ang buong sanlibutan ay may karaniwang sagot sa pagdurusa: Awa sa sarili.
Ito ay nagbibigay ng kakaibang uri ng kaginhawahan. Inaalo ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pagkakaroon ng awa sa sarili, ngunit ito ay lumilikha lamang ng mas malalim na depresyon. Ang awa sa sarili ay parang madungis na balabal na nakakasulasok ang amoy. Ito ay ang tanging bagay na mayroon tayo dito sa napakalamig na mundo, kung kaya’t pinanghahawakan natin ito. Hindi natin mapagtanto ito, pero bawat araw nagbibigay ito ng sakit sa atin. Ito ang nagtutulak sa atin na tumutok lamang sa ating sariling pighati at bumubulag sa atin sa iba pang perspektibo.
Mayroong malinaw na mga kasagutan na nais kong ibahagi sa iyo. Mayroong pagkakaunawaan na magbibigay kaliwanagan sa lahat ng bagay. Kaya hubarin natin ang “balabal” at itabi muna ng sandali. Dapat handa tayong bumitaw sa ating mga iniisip at tuklasin ang pinakabagong mga bagay.
Sinong ama ang gustong magdusa ang kanyang anak? Sinong ina ang nakalimot sa kaniyang maliit na anak? Ang Diyos Ama ang may sabi na kung makalimot sila, “Nguni’t hindi kita kalilimutan” (Isaias 49:15). Kung ito na ipinangako ng Diyos na di makapagsisinungaling…kung gayon ano pa ang kulang sa atin (Tito 1:2)? Bakit sa tingin natin tayo ay nakalimutan at parang ang Diyos ay malayo sa loob ng kaulapan?
Nagsusumamo ako sa iyo na magisip at makinig. Nilikha tayo ng Diyos na perpekto. Ginawa niya tayong kakaiba sa mga hayop. Binigyan Niya tayo ng katalinuhan, at kaluluwa at malayang kalooban. Ang mga regalong ito ay nagbibigay sa atin ng higit na kapangyarihan kaysa lipos at udyok. Nilikha din tayo ng Diyos na may kapangyarihan na tinatawag na konsiyensiya (Mga Taga-Roma 2:15). Sinasabi nito sa atin kung ano ang tama at mali. Sinasabi nito sa atin na bumaling sa Kanya. Siya ay nag-alok na pangangalagaan ang lahat ng ating pangangailangan kung susundin lamang natin Siya.
Heto ang problema: Si Adan at Eba (ang unang lalaki at babae na nilikha) ay ginamit ang kanilang malayang kalooban upang sumuway sa Diyos. Ang kanilang pinili ay may kakilakilabot na kinahinatnan. Sa unang pagkakataon, dumating ang kasalanan sa mundo. Dinungisan nito ang ating pagkatao. Ang kasalanan ay hindi paminsan-minsan na gawain. Ito ay nasa ating dugo. Ito ay kung sino tayo ngayon bilang mga tao. Tayo ay madamot at ang rebelyon ang nag-uudyok sa atin na gumawa ng kasamaan (Mga Taga-Roma 3:10, 23). Ang Diyos ay banal. Hindi niya maaaring tignan ang kasalanan. Ang sangkatauhan ay nahiwalay sa ating Ama. Tayo ay tunay na “walang tahanan”. Tayo ay mga ulila na naghahanap ng pagmamahal at layunin na tanging mahahanap natin sa pamamagitan ng pagsisisi patungo sa Diyos. Kasalanan ang nagpaparamdam sa atin ng pagkakawalay sa Diyos (Isaias 59:2).
Lahat ng sakit at pagdudusa ay resulta ng pagpili ng tao. Di gusto ng Diyos na mapahamak ang sinoman, pero hindi Niya lalabagin ang ating malayang kalooban (Juan 6:40 / 2 Pedro 3:9). Kami na walang pagasa; naka-tadhanang harapin magpakailanman ang kahihinatnan ng aming mga ginusto. Hindi tayo karapat-dapat sa pangalawang pagkakataon.
Ang Daan Pabalik Sa Tahanan Ang Diyos ay maawain. Siya ay nagaalala sa atin, hindi dahil sa kung sino tayo, nguni’t dahil sa kung sino Siya (Mga Taga-Roma 5:8). Siya ay gumawa ng ISANG PLANO na kung saan ang tao ay maaring makipagkasundo sa Kanya. Ibinigay ng Diyos ang Kanyang Anak na si Jesus sa Sanglibutan (Juan 3:16, 10:18, 17:11). Si Jesus ay Diyos (Juan 10:30, 14:9). Dumating Siya para dalhin ang ating kasalanan sa krus at gumawa ng daan pabalik sa Ama. Si Jesus ay nagpapahayag sa atin sa kung sino Ang Kanyang Ama (Juan 8:28). Ito ang kanyang tanging tinutukan. Sabi Niya “Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan….Ako ang daan…”. Ito ay hindi isang pisikal na lugar. Walang sinoman ang maaaring makakilala sa Diyos bilang ating Ama, maliban sa pagkakatuklas ng Buhay na Jesus (Juan 6:44, 14:2-6). Ano ang ibig sabihin nito? Paano tayo ‘mapapaloob’ kay Jesus?
Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan, ginawa ni Jesus kung ano ang iniutos ng Ama upang tayo ay mapatawad. Ito ay tinatawag na pagsisisi. Pinalitan Niya ang Kanyang perpektong dugo ng ating makasalanang dugo. Nung Siya ay nabuhay muli mula sa pagkamatay, ang nabuhay na Jesus ay lumikha ng ang daan pabalik sa tahanan. Ang Kanyang unang kaunting salita ay “…Ako ay patungo sa aking Ama at sa iyong Ama… (Juan 20:17)”. At muli, Ang Kanyang Ama ay maaaring maging ating Ama. Si Jesus ang unang ipinanganak mula sa pagkamatay. Hinihintay niya na lumapit ka sa Kaniya.
Ginawa ni Jesus, para sa atin, ang lahat ng kailangan. Siya ay hindi katulad ng mga relihiyon ng Budismo, Hinduismo o Islam. Siya ang nag-iisang Diyos na naging tao. Sapagka’t Siya ang magiging tagapamagitan ng mga makasalanang tao at ng perpektong Diyos(1 Timoteo 2:5). Tanging si Jesus ang makapagbibigay ng kumpletong kapatawaran sa pamamagitan ng Kanyang dugo para sa lahat ng kasalanan.
Iniisip ng mga tao na ang “pagiging mabut” sila ay makakarating sa langit. Ito ay imposible dahil sa ating masamang kasalanan. Walang merito kahit pa ito ay subukan. Ito ang kahulugan ng pagkakaroon ng PANANAMPALATAYA (Mga Taga-Filipos 3:9). Hindi inaasahan ng Diyos na subukan natin at maging mabuting mga tao. (Roma 10:9-10). Kung ikaw at ako ay may kakayahan na maging mabuti, sa kahit anong antas, sa kahit anong panahon, hindi na kailangan pang dumating ni Jesus. Imbes na maging mas mahusay, gagawin ka niyang lubos na bago. Ang sabi Niya “Kinakailangan ngang kayo’y ipanganak na muli (Juan 3:7)”. Tanungin si Jesus kung anong ibig sabihin nito.
Kapag inamin mo na ikaw ay ganap na masama, ang Kanyang pagpapatawad ay nagiging ganap na hindi kapani-paniwala. (Basahin Lucas 15). Hindi mo maaaring paghirapan ang pagpapatawad. Ang pagpapatawad ay kaloob ng Diyos na tinatawag na grasya (Mga Taga-Roma 4, 6:23 / Mga Taga-Efeso 2:8 / Taga Filipos 3:9). Ang ibig sabihin ng salitang grasya ay hindi tampat na pabor ng Diyos. Ito ay ipagkakaloob ni Jesus bilang regalo para sa inyong pananampalataya.
Ang pananampalataya ay hindi isang emosyon. Ang pananampalataya ay isang pagpili na maniwala at kumilos ng ayon sa inihayag ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus (Hebreo 11:1, 6). Ang pananampalataya ay paniniwala na ikaw ay pinatawad sa pamamagitan ng dugo ni Jesus, sa kabila ng iyong nadarama. Ang pananampalatayang ito ay isang aktibong pagpili.
Sa halip na maawa ka sa iyong sarili, tuklasin ang kamangha-manghang kaligayahan ng pagtanggap ng buhay na walang hanggan. Maaari mo nang ihinto ang pagsuot ng “balabal” ng pagkaawa sa sarili at magsuot ng balabal ng pagmamahal sa iba (Isaias 61:3). Walang importante sa buhay na ito. Ang pinakamahalaga ay buhay na walang hanggan. Ang perspektibong ito ang nagbabago ng paraan ng iyong pakikitungo sa lahat ng bagay at binabago ka. Magmalasakit sa iba (Mateo 25:35 / Juan 12:25, 17:3/ Mga Taga-Galacia 6:8).
Tayong lahat ay tatayo sa harapan ng Dios at panagutan ang ebanghelyo. (Mga Taga-Roma 14:10 / Hebreo 9:27). Tayong lahat ay pinanganak sa kasalanan kaya’t sa impiyerno papatungo. Bukod kay Hesus walang makakatakas (Lucas 12:5 / Mga Gawa 4:12). Pakiusap, nagmamakaawa ako sa iyo, tumigil at magisip bago mahuli ang lahat. Buksan ang iyong bibig sa Ama at hilingin sa Kanya na ibalot ka ng dugo ni Jesus at iligtas ka sa impyerno (Mga Taga-Roma 10:9-10). Kilala ka niya sa iyong pangalan at mahal Ka niya. Siya ay nangakong sasagutin ka niya.
Ang mga kung tawagi’y mga simbahan ngayon ay gawa lamang ng isip ng mga tao at hindi ang katotohanan ng Bibliya. Sinusubukan nilang obligahin ka na sumunod sa maraming mga batas. Ito ay batay sa Lumang Tipan bago dumating si Jesus. Di gusto ng Diyos ang iyong pera o ang magpunta ka sa isang gusali. Kahit ano maliban sa simpleng pananampalataya sa kalooban ng tao at gawain ni Jesus ay isang kasinungalingan, isang panloloko at isang iskam (Mateo 23 / Marcos 7:6 / Mga Gawa 17:24).
Gawin ang lahat ng magagawa upang makabili ng Biblya at simulang basahin ang ebanghelyo ni Juan. Buong kababaang-loob kausapin si Jesus habang nagbabasa. Hilingin sa Kanya na ipadala sa iyo ang Kanyang Espiritu Santo (Juan 14:26,15:26 / Santiago 4:6/ 1 Juan 2:27). Huwag tumingin sa ibang mga tao, bibigyan ka niya ng pangunawa. Gagabayan Ka niya sa Daan Pabalik ng Tahanan.

Ang banal na bibliya, Ang mga salita ng Diyos:

http://www.bible.is/TGLTAB/John/1/D

Woroniecki-Forest-Smaller

MAIKLI ANG BUHAY

Escape Into Reality

Hayaan mong sabihin ko sa iyo ang isang napaka-importanteng bagay. Ang iyong buhay ay mabilis na lumilipas. Araw-araw, ikaw at ako ay tumatanda. Hindi mo dapat igugol ang iyong buong buhay sa pagtratrabaho upang kumita ng pera. Ito ay tunay na pagkabanidoso. Alam mo ito. Ang bawat isa sa atin ay mamamatay isang araw, hindi natin maaaring pigilan ito. Sa kaloob-looban mo, pakiramdam mo na tayo ay nilikha para sa mas dakilang layunin. Nung nilikha ka ng Diyos, inilagay niya ang “damdamin” na ito sa iyong kaibuturan na siyang magdudulot ng pagnanais mula sa iyo na siya ay hanapin. Ito ay tinatawag na “konsiyensiya”. Itigil mo ang patuloy na pagbabalewala dito. Huwag mo Siyang balewalain.
Ang magandang kalangitan, ang mga ulap, mga karagatan, mga kabundukan, ang mga hayop, ang lahat ng ito ay senyales na tunay ang Diyos. Ang iyong buhay ay hindi sakop ng karma o resulta ng palambang na mga ideya lamang. Ikaw at ako ay nilikha ng Diyos. Ang ating konsiyensiya ang magpapatotoo nito.
Ang kasaysayan ang nagturo sa atin, sa Bibliya, na noong unang panahon, ang mga sinaunang lalaki at babae (ang ating mga ninuno) ay nagrebelde laban sa Diyos at sumuway sa kanyang mga kautusan. Ang paghihimagsik na ito ang siyang sumira ng ating likas na katauhan. Ito ay nanatili sa loob nating lahat ngayon. Kasalanan at kasuwailan ang tawag ng Diyos dito. Ito ang ugat ng bawat problema, kalungkutan, at pasakit, sa bawat bansa, sa buong mundo. Ito ang dahilan ng paghihiwalay o pagpapakamatay ng mga tao. Tuwing ikaw ay nagagalit, sakim o makasarili, ito ay kasalanan. Sinasabi ng iyong konsiyensiya na ito ay mali.
Ang sabi ng Diyos balang araw siya ay magbabalik upang parusahan ang bawat tao sa lahat ng kasalanang nagawa nila sa buhay sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila sa nakapangingilabot na lugar ng apoy, na tinatawag na impiyerno, magpakailanman. Kailangan mong makinig sa akin, aking kaibigan, bago mahuli ang lahat. Maikli lamang ang oras.
Noong unang panahon, ipinadala ng Diyos ang kanyang anak na si Jesus sa lupa. Ipinanganak siyang Tao, kagaya mo at kagaya ko. Ngunit Siya ay iba sa lahat, si Jesus ay hindi kailanman nagkasala. Siya ay perpekto. Gumawa Siya ng maraming himala at nangusap ng magagandang bagay tungkol sa Diyos Ama at Kanyang Kaharian sa langit. Sinabi at pinatunayan Niya na Siya ang Diyos. Sa hindi pangkaraniwan ngunit napagandang paraan, nilikom Niya ang lahat ng kasalanan natin sa Kanyang katawan at namatay sa krus. Matapos ang tatlong araw, mula pagkamatay ay muling bumangon at lumitaw sa harap ng mga tao ng may buhay na muli.
Ipinangako ni Jesus na kung ikaw ay manampalataya sa Kanya, patatawarin Niya ang lahat ng iyong pagkakasala at ililigtas ka sa kaparusahan at impiyernong nararapat para sa iyo. Siya ay buhay dito at ngayon. Wala Siya sa “simbahan ng mga kristyano” na nakikita mo ngayon. Sila ay mga huwad. Nais nilang tumungo ka sa mga gusaling ito at bigyan sila ng pera. Nagsasalita sila ng tungkol kay Jesus ngunit hindi naman talaga sumasampalataya sa Kanya. Sila ay mapagpanggap ayon kay Jesus.
Kailangan mong mapag-isa at hanapin si Jesus ng IYONG buong puso. Ang sabi Niya’y “Pumarito ka sa Akin, matuto mula sa Akin”. Siya ay di nakikita, ngunit naririnig Ka niya kapag kinakausap mo Siya. Mahal ka Niya. Tanungin mo Siya “Jesus, magbigay-loob, patawarin mo ako. Iligtas mo ako sa impiyerno. Sumasampalataya ako sa iyo. Dalhin mo ako sa iyong Ama. Bigyan mo ako ng buhay na walang haggan”. Ipinangako Niya na kanyang ipapadala ang Banal na Espiritu upang ikaw ay punuin at bigyan ng layunin sa mundong ito. Maghanap ng Bibliya at simulang basahin ang Bagong Tipan. Hilingin sa Diyos na tulungan kang umunawa. Ang Iyong konsiyensiya ang magsasabi sa iyo na ang mga isinulat ko dito ay totoo.

당신 차례입니다.


Kamusta Ang aking pangalan ay Abraham. Aking isinulat ang mga bagay na ito upang subukan at makipag usap sa inyo. Ako ay hindi Ebandyeliko o mangangaral. Kinasusuklaman ko ang Amerikanong Kristiyanismo. Hindi ko kayo hihilingin na manalangin. Ako ay isang tulad mo lamang. Hindi ako nakahihigit kaninuman.. Aking nakita at nasaksihan na si Jesus ay tunay.

At ang lahat ng Kaniyang inihahandog ang iyong kailangan na makapagbabago sa iyong buhay makapagpapabago. Nilakbay ko ang libu-libong milya upang subukan kang tulungan. Hindi ko nais ang iyong salapi. Hiningi ko lamang na bigyan mo ako ng isang pagkakataon. Hindi mo kailangan ng isang relihiyon. Salapi at mga bagay ay hindi mo kailangan. Kailangan mong makilala at maniwala sa katauhan ni Jesus. Kinakailangan mong dumulog kay Hesus upang tulungan kang maunawaan ang Ebanghelyo. Ituturo Niya ito sa iyo. Ginawa na ng Diyos ang. lahat para sa iyo. Ang lahat ng kailangan mo ay matatagpuan kay Jesus. Paulit-ulit kang dumudulog at naghihintay na may gawin ang Diyos para sa iyo. At nagawa Niya na iyon. Ngayon ay nakasalalay na sa iyo kung paano Siya kikilalanin. Ang suliranin mo ay wala sa bagay o kaganapang panlabas. Nasa loob ang iyong tunay na suliranin. May bagay sa iyong kalooban na hindi mo nauunawaan. Ito ang dahilan kung bakit ikaw ay nakagagawa, nakapagsasalitao nakapag-iisip ng mga bagay na hindi mo sinasadya. Kahit gaano mo man subukan hindi mo kayang lupigin ang iyong sarili na mag isa. Para iyong lubusang maunawaan, kinakailangan mo manumbalik sa simula.

Nilikha ng Diyos ang mundo at ang sangkatauhan. Genesis 1: 1
Tayo ay ginawang ganap
Nilikhang kawangis ng Diyos. Genesis 9: 6
Tayo ay nilalang para sa isang layunin.
Para ibahagi ang pag-ibig ng Ama at para sambahin Siya.
Binigyan tayo ng Diyos ng malayang kalooban
Hindi Niya nais na tayo’y maging tulad ng mga robot
Ito ay upang maging ang aming mga pagpipilian
Sina Adan and Eba ang mga sinaunang tao.
Ginamit nila ang kanilang kalayaang kalooban sa pagsuway sa Diyos. Genesis 3
Nang dahil dito, ang tao ay nahiwalay sa Diyos. Genesis 3: 8
Dumating sa mundo ang tinatawag na “kasalanan”.
Ngayon, tayong lahat ay isinilang nang may kasalanan. Roma 3:23
Ang Diyos ay ganap at banal. Isaias 6: 3
Ang buong sangkatauhan ay nasira ng dahil sa kasalanan.  Isaias 59: 2
Ang Dios ay hindi nakakakilala sa kasalanan kaya hindi na Niya kilala ang tao. 2 Corinto 5:21
Ang Diyos ay makatarungan at ganap.
Ang katarungan ay nangangailangan ng kaparusahan.
Ang kaparusahan sa kasalanan ay kamatayan at impyerno. Roma 6:23
Bago ang pagkakasala, ang mga tao ay nabuhay nang walang hanggan.

Ibinigay ng Diyos sa atin ang kanyang ganap na batas. Exodo 20:3
Isang pamantayan nang kung ano ang tama at mali.
Ang kanyang batas ay binubuo ng maraming kautusan.
Mga kautusan tulad ng:
Huwag kang papatay.
Huwag kang makikiapid
Huwag kang magnanakaw.
Huwag kang magsisinungaling.
Huwag kang magnanasa.
Ang lahat ng mga ito ay ipinapakita ang kasalanan sa loob natin. Roma 7:7
Ang sinumang sumuway sa Kanyang kautusan ay maaaring mag-alay ng isang hayop bilang kapalit. Leviticus 17:11
Ilalagay nila ang kanilang mga kamay sa hayop at aaminin ang kanilang mga pagkakasala. Leviticus 16:21
Kapalit ng kanilang kamatayan, ang hayop ang mamamatay.
And dugo ay isang perpektong sakripisyo na makapagpapalubagsa pangangailangan ng Diyos para sa katarungan. Hebreo 9: 12-14
Ang dugo ng hayop ang hahalili sa ating katayuan.
Ang Ating Kabiguan
Subalit walang sinuman ang nagawang sumunod sa Kanyang batas. Roma 3:20
O ibigay ang Kanyang karampatang alay.
Gaano man natin subukan; tayo ay bigo.
Ito ay nagpakita sa atin na ang kasalanan ay hindi lamang naging isang aksyon.
Ang kasalanan ay nanalaytay at nananalaytay sa ating dugo.
Ang kasalanan ay hindi kung ano ang ating gawa, subalit kung sino tayo. Roma 7:18
Alam ng Diyos na walang sinuman ang maaaring sundin angkanyang batas.
Ang layunin ng batas ay upang ipakita ang ating kasalanan at ang Kaniyang katuwiran.
Kinailangan ng Diyos na ilahad at ipabatid ang kasalanan.
Ang batas ay nagpapakita sa atin na tayo ay masama. Roma 7:9
Hindi nating kayang maging mabuti nang mag-isa.

Hindi tayo naging karapat-dapat sa isang pangalawang pagkakataon.
Nararapat tayo sa kamatayan at sa impiyerno.
Ngunit ang Diyos ay Pag-ibig at puno ng kahabagan Exodo 34: 6
Hindi dahil sa atin ngunit dahil sa katangiano ng Diyos. Mga Awit 86:15
Ipinadala Niya ang kanyang bugtong na anak na si Jesus.
Iniwan ni Jesus ang kanyang Ama at bumaba sa lupa.
Naging isang tunay na tao si Jesus. Juan 1:14 , 3:16, 13:3
Hindi siya dumating bilang isang hari, bagamat gayon nga Siya. Juan 18:37
Dumating siya bilang isang lingkod. Filipos 2: 7
Siya ay makatao at mapagkumbaba. Mateo 11:29
Tinanggap niya ang ating kalikasan ng kasalanan, ngunit hindi siya nagkasala. 2 Corinto 5:21
Siya lamang ang ganap na tao.
Sinunod Niya ang lahat ng mga utos ng Diyos.
Ginawa Niyaang hindi natin kayang gawin. Roma 8: 3-4
Tinupad ni Jesus ang Batas sa ngalan natin.
Hinarap niya ang lahat ng ating mga pagsubok;
Lahat ng damdamin, tukso, sakit, subalit sa lahat ng iyon ay hindi Siya kailanman nagkasala. Hebreo 4:15
Hindi niya tayo bibigyan ng iba pang batas.
Hindi siya nagpahayag ng relihiyon.
Hindi Niya tayo binigyan ng pamantayang moral.
Kailanman ayg hindi niya sinabing magtungo sa isang “simbahan”.
Sabi niya, “Lumapit ka sa akin” Mateo 11:28
“… Matuto ka sa akin..”
“Ako’y maamo at may mababang loob.”
Lagi Siyang nagbabahagi tungkol sa Kanyang Ama.
Kaniyang itinuro sa atin kung paano maging mga anak sa halip na pagtuturo sa atin ng batas. Roma 8:15
Pag-ibig; sa halip na obligasyon. Juan 15:15
Inalok Niya tayong maging mga anak ng Kanyang Ama.
Sinabi Niyang Siya at ang Kanyang Ama ay iisa. Juan 10:30

Ang sabi ng mga pinunong mga relihiyon na siya ay isang sinungaling
Anila ito ay isang kalapastanganan. Juan 10:33
Hinuli nila Siya at pinaratangan Siya nang walang katotohanan.
Kanila Siyang binugbog at Siya ay nilatigo.
Pinutong nila ang koronang tiniksa Kanyang ulo. Juan 19: 5
Siya ay binugbog at dinurog. Isaias 53: 5
Ngunit hindi Niya kailanman binuksan ang kanyang bibig.
Animo Siya ay isang kordero dinadala sa patayan. Isaias 53: 7
Dala Niya ang matinding sakit at kawalan ng katarungan.
Ipinako nila ang Kanyang mga kamay at mga paa sa isang kapirasong kahoy.
Hubad Siyang isinabit sa krus. Lucas 23:33
Dinala ni Jesus ang kahihiyan. Hebreo 12: 2
Sa pagkakataong iyon noong Siya ay nasa krus.
Inilatag lahat ng Diyos ang ating kasalanan kay Jesus.
Si Jesus ay naging ganap na handog na kordero.
Dinala niya lahat ng kasalanan, ng nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. 1 Pedro 2:24
Siya ay namatay sa krus. Mateo 27:50
Siya ay namatay sa ngalan natin bilang handog.
Siya ay inihimlay sa isang puntod. Luke 23:53
sa loob ng tatlong araw na yao’y walang buhay sa Kaniya.
Ang lahat ng Kanyang dugo ay pinatuyo mula sa Kanyang katawan. Hebreo 10:19
Ngunit dahil sa siya ay walang kasalanan, hindi sya kayang panatilihin ng kamatayan.
Sa ikatlong araw, siya ay bumangon mula sa kamatayan, ng may dugo ng muling pagkabuhay. Lucas 24: 6
Siya ngayon ay isa nang ganap na tagapamagitan ng Diyos at Tao. 1Timoteo 2: 5
Dahil siya ay parehas na Diyos at Tao.
Alam ni Jesus ang lahat ng iyong pinagdaraanan.
Alam niya lahat ng paghihirap dahil siya ay naging tao din tulad natin. Hebreo 2:18

Maaari ka na niyang tuluyang patawarin. Efeso 1: 7
Ang lahat ng Kanya lamang na kailangan ay totoong pananampalataya sa Kaniya. Hebreo 11: 6
Pananampalataya ay hindi isang relihiyon.
Pananampalataya ay hindi isang magandang pakiramdam
Pananampalataya ay pagkamasunurin at aksyon,
batay sa Kanyang sinabi at Kanyang ginawa. 1 Juan 5: 4
Pananampalataya ay paniniwala sa kung ano ang sinasabi ng Diyos, sa halip na kung ano ang iyong pakiramdam o palagay. Hebreo 11: 1
Pananampalataya ay paniniwala na ikaw ay pinatawad ni Jesus.
Ibibigay sayo ni Jesus ang kanyang matuwid na katwiran kung pipiliin mo Siyang paniwalaan. Roma 3:26
Matuwid na katuwiran ay ang pagiging “tama” sa mata ng Diyos. Roma 4: 5
Hindi ka magiging matuwid sa sarili mo.
Matuwid na katuwiran ay hindi maaaring kitain.
“Ito ay maibibigay na bilang regalo kung ikaw ay maniniwala. Roma 3:25


Hindi mo kitain ang kaligtasan.
Kaligtasan ay nanggagaling sa grasya. Roma 3:24
Grasya ay hindi karapat-dapat na regalo. Efeso 2: 8
Malayang inalok sa iyo ito ni Jesus.
Kinakailangan nya ang iyong kababaang-loob at pagtatapat. 1 Pedro 5: 5
Alam na Niya agad ang iyong mga kasalanan
Ang iyong kasalanan ay hindi na kailanman ang problema. Jeremias 31:34
Walang kasalanan ang masyadong malaki at masyadong masama para sa dugo ni Jesus. Colosas 1:14
Ito ang dahilan kung bakit Siya namatay at muling nabuhay
Hindi ka Niya gagawing mas mabuti.
Gagawin ka Niyang bago. 2 Corinto 5:17

Ang Kaniyang sabi “Kinakailangan ngang kayo’y ipanganak na muli.” Juan 3: 3,7
Ipapadala ni Jesus ang Kaniyang Espiritu.
Kaniyang ipinangako na ang Kaniyang Espiritu ay tuturuan ka ng lahat ng mga bagay. Juan 14:26
Hindi ka Niya pipiliting magbago.
Ikaw ay malayang kalooban tulad ni Adan at Eba.
Mayroon kang pagpili.
Sabi ni Jesus “Kailangan mong itanggi ang iyong sarili”. Marcos 8:34
Pakawalan ang pagmamataas at pagkamakaako. Mateo 20:26
Tigilan ang pagbutihin ang sarili.
tigilan subukang maging “isang mabuting tao”
Hindi ka mabuti at kailanman ay hindi magiging mabuti. Galacia 2:21
Magbunga sa Kaniyang tinapos na trabaho.
Magsilapit kayo sa Dios, at siya’y lalapit sa inyo. Santiago 4: 8
Ang lahat ng bagay ay dumarating sa pagka-alam kay Jesus. Juan 17: 3
Ang kaligtasan ay hindi tungkol sa pagkilala ng mga bagay-bagay at pagkakaroon ng kaalaman.
Ito ay upang malaman at makilala ang buhay na katauhan ni Jesus.

Kapag tayo ay namatay, tayong lahat ay tatayo sa harap ng Diyos. 2 Corinto 5:10
Tayo ay magbibigay sulit para sa ating buhay. Hebreo 9:27
Ang lahat na mga bagay ay kung papaano ka tutugon sa gawain ni Jesus dito at ngayon..
Kung ikaw ay magsisi, ikaw ay Kaniyang patatawarin.
Mayroong isang langit. Mayroong isang impyerno. Mateo 25:31
Ang impyerno ang katarungan ng Diyos sa pagpatay sa Kaniyang Anak
Pinananagot ng Diyos ang lahat ng mga kalalakihan sa kamatayan ng Kaniyang Anak.
Ito ay parehong kalikasan sa iyo at sa akin na ilagay si Jesus sa krus.
Maliban na lamang kung ikaw ay maniniwala sa katauhan ni Jesus, ikaw ay mapupunta sa impyerno.
Kung walang impyerno gayon ang Diyos ay hindi magiging lamang. Apocalipsis 21: 8
Ito ay hindi biro.
Pakiusap, Nagmamakaawa ako gumising ka!
Magsisi, bago mahuli ang lahat.
Itong buhay ay maaaring mahirap. Juan 16:33
Ngunit ang lahat na mahalaga ang buhay na walang hanggan. Juan 11:25
Gusto ng Ama na ibigay sa iyo ang Kaniyang pagmamahal sa pamamagitan ni Jesus. Juan 14:23
Hindi nais ng Diyos na sinoman ay mamatay. 2 Pedro 3: 9
Gawin anuman ang aabutin para makabili ng Bibliya.
Pag-aralan ang bagong testamento.
Mag umpisa sa ebanghelyo ni Juan.
Habang binabasa mo, makipag-usap kay Jesus. Mateo 7: 7
Hilingin sa Kanya na isugo sa iyo ang Kanyang Espiritu
Ang Kanyang Espiritu ay bubuksan ang iyong pag-iisip.
Bibigyan ka Niya ng tunay na pagkaunawa.

Ang Huwad na “Simbahan”
Huwag mong tanungin ang ibang tao. Mateo 7:15
Huwag pupunta sa ano mang “simbahan”. Juan 4:24
Kunin lahat ng nag-iisa. Isaias 57:15
Lahat ng mga relihiyon ay mali.
Lahat ng “mga simbahan”” ay huwad. Gawa 17:24
Binabaliktad nila ang Bibliya para sa kan ilang sariling kapakanan. Juan 5:39
Hindi gusto ng Diyos ang iyong salapi. Isaias 66: 2
Sila ay isang panloloko. / Sila ay mapanlinlang
Tila totoo sa labas na anyo. Mateo 23:28
Ito ay isang huwad na anyo. Marcos 7: 6
Wala silang totoong mga kasagutan.
Hindi nila naiintindihan ang ebanghelyo. Mateo 7: 22-23
Gusto ka nilang pilitin na sundin pa rin ang sampung kautusan. Marcos 7: 8
Gusto ka nila ilagay sa ilalim ng batas. Mateo 23: 4
Pinalaya tayo ni Hesus mula sa batas. Juan 8:32
Nag-iisa lamang ang pamantayan para sa kaligtasan;
Tunay na pananampalataya lamang.